^

Para Malibang

Asong pinili ang kanyang owner

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Ang pagkakaroon ng alagang aso o pusa ay pinag-iisipan muna nang matagal dahil sila iyong makakasama mo sa iyong pagtanda.

Pero minsan, aksidente lamang ang pagkakaroon ng alaga tulad na lamang ng nangyari kay Jack Jokinen mula sa Fishtown, Philadelphia.

Isang araw ay nagulat na lamang daw siya nang may isang asong payat na payat na pumasok sa kanyang bahay.

Nung una ay nagtaka siya kung saan ito nanggaling kaya tiningnan niya ang CCTV footage sa kanyang bahay. Naiwan niya pa lang bukas ang kanyang front door.

“When we found Suzy it was a combination of scared and confused. We had no idea how she got here and worried someone was in our house. She was scared and shaking from being wet and cold,” kuwento ni Jack sa Bored Panda. 

Walang ibang nagawa si Jack kung hindi ampunin ang aso na kaawa-awa ang lagay.

Ibinahagi niya ang kuwentong ito sa kanyang Twitter account. Doon din siya nagbigay ng update na nagkaroon ito ng iba’t ibang check up kasama na ang dental dahil may sira ang ngipin nito.

Pinangalanan nila itong Suzy na ngayon ay masa­yang nakikipaglaro sa isa pa nilang asong si George.

vuukle comment

OWNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with