^

Para Malibang

Seloso ang bf ko

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang po ako sa bansag na Missy. Ang problema ko po sa bf ko, bagaman mahal ko siya, ay sobra  ang pagiging seloso niya. Tuwing may makikita siyang kausap akong lalaki, kahit pinsan ko pa ito o mga kaklase ko na alam naman niyang kaibigan ko at kilala naman niya ay pinapagalitan niya ako. May dalawang taon na kaming mag-on. Alam kong mahal niya ako pero ang diperensya nga lang, masyado siyang seloso at halos ayaw na niya akong lumabas at makipag-usap sa iba. Hindi ko gusto ang ganitong sitwasyon. Minsan sinabi ko sa kanyang mabuti pang mag-break na lang kami kung sasakalin din lang niya ako sa kanyang uri ng pagmamahal. Pero binantaan niya akong may mangyayaring hindi maganda sa aming dalawa kung kakalasan ko raw siya. Nagbago na ako sa pagtingin sa kanya sa ugali niya. Ano po ba ang mabuti kong gawin para makaiwas sa gulo sakali’t totohanin niya ang banta sa akin? - Missy

Dear Missy,

Kung minsan, ang kawalan ng tiwala sa sarili at tiwala sa katapatan ng ibang tao ang nagbubunsod sa pagiging seloso ng isang tao. Subalit ang sobrang pagseselos ay “nakamamatay” ng pag-ibig. Kausapin mo siya tungkol sa walang batayan niyang pagseselos. Kung hindi pa rin mababago ang kanyang pananaw, mabuting kalasan mo na siya dahil ang masyadong pagiging seloso ay hadlang sa magandang relasyon ng magkasintahan. Ipagtapat mo rin sa kapatid mo o pinagtitiwalaang kaibigan o kaya’y sa iyong mga magulang ang banta niya sakali’t hiwalayan mo siya. Maaaring hindi naman niya tototohanin ang bantang ito, pero mabuti na rin ang nag-iingat ka.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

SELOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with