^

Para Malibang

Gusto nang talikuran ang bisyo

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Gusto ko na pong ituwid lahat ng kamaliang ginawa ko sa magulang ko. Masyado po kasi akong naging rebelde sa kanila. Sa edad kong 16 hindi ko po maiwasan yung bisyo kong alak, sigarilyo at halos hindi na matulog kakatambay. Ngayon po ay may nararamdaman na ako, pero hindi ko sinasabi sa kanila kasi nahihiya ako. Ano po ba ang dapat kong gawin? - Ema

Dear Ema,

Mabuti’t habang maaga ay na-realize mo ang iyong nagawa at ang kahandaang ituwid ito. Lahat tayo’y nagkakamali at ito’y dahil na rin sa ating kahinaan na hindi natin napaglabanan. Tuluyan mo nang iwaksi ang mga bisyo mo. Wala itong buting maidudulot sa tao kundi sakit. Sisirain lang nito ang iyong kinabukasan at babaguhin ang iyong ugali. Hindi bisyo ang solusyon sa problema kundi ang panalangin. Bata ka pa at may magandang kinabukasang naghihintay. Ipakita mo sa iyong magulang ang iyong pagbabago. Nga­yong bakasyon, tumulong ka sa gawaing bahay sa halip na tumambay. Tuwing oras ng pagkain ay sumalo ka sa kanila at makisali sa kuwentuhan ninyong magkakapatid bilang family bonding. Ikonsulta mo rin sa iyong magulang ang tungkol sa iniinda mong sakit bago pa ito lumala. Wag kang mahiyang magsabi sa kanila dahil sa oras ng kagipitan, pamilya pa rin ang magiging karamay mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

BISYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with