Makatuwiran ba ang P50 milyon na Kaldero para sa SEA Games?
“Oh huwag magmalinis dahil kung tutuusin ay mas mahal pa ang na-corrupt ng maraming politicians. At least yang caldero ay sinisindihan bilang torch na dinadala sa parada sa SEA GAMES bilang bearer na simbolo ng pagkakaisa ng mga bansa sa buong mundo.” – Naneth, Bulacan
“Pambihira kaya naman pala nating gumastos ng malaking halaga. Para magpayabang sa ibang bansa? Hindi ako tutol sa torch ang sa akin lang sana naman maglabas din ng pera sa ikakaahon ng mga Pinoy sa kahirapan. Bakit hindi maglaan ng budget para sa nagugutom, pulubi, squatters, ekonomiya, at ibang magpapagaan sa buhay ng mga Pinoy!” – Josie, Batangas
“Ang ‘Pinas nga ang pinakamurang nagagastos sa cauldron tuwing SEA GAMES ang ibang bansa mas mahal pero hindi kasing ganda katulad ng ginawa ngayon!” – Banjie, Manila
“Correct po, hindi lang isang beses gagamitin yan. Forever na yan magagamit tuwing may big event na sports sa bansa. Tama lang yan bilang trademark at simbolo para mapabilang ang ‘Pinas sa pagbibigay pugay sa pagpapahalaga sa Olympic Games.” – Sally, Malabon
- Latest