Anak na binu-bully ng mga classmates
Dear Vanezza,
Ayaw ko na pong pumasok sa school dahil nabu-bully ako. Pinagtatawanan ng mga classmate ko ang project ko. Hindi rin po considerate ang mga teachers ko. Gusto agad nila ay maintindihan ko ang mga lesson namin. Anong gagawin ko slow akong mag-isip kahit pilitin ko. Gusto ni nanay na pumasok ako. Ano po ang gagawin ko?
Simon
Dear Simon,
Sabihin agad sa magulang ang iyong sitwasyon para makausap ang mga classmates mong nang bully sa iyo. Huwag panghinaan ng loob na bagkus ay gawing challenge ang sinasabi ng mga classmates mo sa iyo.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest