Potato salad, swak sa bulsa
Sandamakmak na salad ang mapagpipilian sa tuwing may handaan o simpleng salu-salo.
Kaya lang, ‘pag sinabing salad ay naiisip agad natin na ito ay hindi nakabubusog.
Kabaliktaran nito ang salad na ihahanda natin ngayon, ang potato salad na bukod sa madaling gawin ay tiyak mabubusog ang inyong mga bisita.
Ingredients:
3 malalaking patatas, nabalatan na
2 carrots, nabalatan na
1 cup pineapple
¾ cups mayonnaise
½ bawang, hiniwa ng maliliit
1 teaspoon sugar
Asin at paminta
5 cups water
chicken/bacon (optional)
Paraan ng pagluluto:
Pakuluan ang carrots at patatas hanggang lumambot pero huwag itong i-overcook.
I-drain ito at kapag lumamig na, pwede na ring ilagay ang pineapple.
Sa hiwalay na lagayan, pagsama-samahin ang mayonnaise, dinikdik na bawang, asukal, asin at paminta.
Ilagay ang nasabing mixture sa naihanda nang patatas, carrots, bacon/chicken at pineapple at ilagay sa ref.
Maaari itong kainin ng hanggang dalawang araw.
- Latest





















