Nobyo na may amnesia
Dear Vanezza,
Yung boyfriend kong nagka-amnesia na hindi alam ang anniversary at date namin. Ang katuwiran ay busy siya sa trabaho niya, samantalang dati kahit marami siyang work ay gumagawa siya ng paraan. Parang may naamoy ako something fishy. Ano ba ang puwede kong gawin? - Arianne
Dear Arianne,
Kadalasan ang woman’s instinct ay totoo. Bakit hindi komprontahin si BF na deretsohin na tanungin kung ano na ang totoong score sa inyong relasyon. Para hindi ka na umaasa pa sa may amnesia mong nobyo. Nang maka-move on na hindi naghihintay sa paasa sa BF mong mukhang may ibang pinagkakaabalahan. O baka nga busy lang.
Sumsaiyo,
Vanezza
- Latest