Pustisong nawawala tinangay ni bantay
Stress reliever kung ituring natin ang ating mga alagang aso. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa kakulitan nila at ka-sweetan nilang taglay?
Aminado dito ang ‘dog parent’ na si Anna Carolina Lima sa kanyang puppy na si Luna. In-adopt nila si Luna matapos nila itong makitang palabuy-laboy sa lansangan sa Brazil. Hindi naman sila nahirapan kay Luna dahil likas itong mabait at malambing.
Isang araw ay naisipan nilang ipasyal si Luna sa bahay ng kanyang lola. Balak nilang iwan muna ito doon para bumili ng ilang kagamitan.
Panatag naman si Anna na magiging mabait si Luna sa kanyang lola.
During that time, nag-decide ang lola ni Anna na matulog at as usual, tunaggal niya ang kanyang pustiso.
Pagkagising nito ay agad nitong hinanap ang kanyang pustiso. Ngunit laking gulat niya nang malamang si Luna pala ang kumuha nito at sinuot pa sa kanyang bunganga.
- Latest

















