Mataas na hairline, in na in noon
Madalas ka bang asarin ng iyong mga kaklase, kapitbahay at maging ng iyong kapamilya dahil sa iyong malapad na noo? Nasabihan ka rin ba na parang airport ito dahil sa lawak nito?
Noong Renaissance period, 14th hanggang 17th century, walang lugar ang tinatawag na natural beauty dahil importante sa mga tao ang fashion at paggamit ng maraming make up.
In na in ang pagkakaroon ng malapad na noo. Kapag mas mataas ang iyong hairline ay mas maganda ka.
Marahil marami ang matatawa sa nasabing beauty standard kung pag-uusapan ito sa kasalukuyan.
Maraming kababaihan noong Renaissance ang nag-aahit sa kani-kanilang noo para mas lumapad ito. Kasama rin sa beauty trend na ito ang pagbubunot ng pilik-mata dahil para sa kanila, maganda ito.
Handang magsakripisyo ang mga kababaihan noon para lang sila ay matawag na maganda kahit pa may kakambal ito na peligro o panganib.
- Latest