^

Para Malibang

Sino ang unang nakaka-move-on sa Heartbreak?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

“Sa pananaw ko, mga babae ang unang nakaka-move on. Sila kasi ang madalas na umiyak at magkuwento sa kanilang mga kaibigan. Kaya mas nalalabas nila ang sama ng loob nila. ‘Di ba pag ganun mas madaling maka-move on? Ang mga lalaki kasi minsan lamang kung mag-open ng problema. At mas pinipili nila ang mga taong pagsasabihan nila. I’m not saying na hindi pinipili ng mga babae ang kanilang pinagkukwentuhan. Pero kumbaga mas ‘madali’ sa kanila ang magkwento.” - Liam, Parañaque 

“Babae. Kami kasi minsan ‘di kami agad nakakapag-react sa situation dahil hindi naman sa nilalahat ko. Ako kasi kapag may problema, nagpapaka-busy ako. Basketball, laro sa computer, at inom kasama ang mga barkada ang aking inaatupag. Pero kapag mag-isa na lang ako, dun ko nari-realize na nasasaktan pala ako. At malamang nung oras na nasaktan ako sa break up namin ng ex ko, I’m sure na naka-move on na siya. May BF na eh. Hahaha.” - Ben, QC

“Depende yan sa tao. Lalaki o babae, pareho lang na tao yan. Pero sa pananaw ko, kung sino ang mas nanakit, siya itong mas mahihirapan sa pagmu-move on. Kasi yung taong nasaktan, iisipin lamang niya lahat ng nasabi mong masakit, paulit-ulit niyang iisipin yun, at dun niya maiisip na ‘bakit hindi pa ako mag-move on e sinaktan ako ng tao na ito’. Saka siyempre ‘di ba naman kapag nakasakit ka, mabigat din sa dibdib.” - William, Pampanga

 “Para sa akin mga lalake. In my experience mas mabilis ako naka-move on. Siguro dahil mas active ang lifestyle ko kaya mas madami akong oras na gawin ang ibang mga bagay. Mada-divert ang atensyon ko.” - Ram, Batangas

“Iba-iba yan. Kung sino ang nakipaghiwalay, malamang siya ang unang makaka-move on. Yun lang po yun. Hehehe.” - Noy, Bicol

HEARTBREAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with