Nanay, huling may favoritism
Dear Vanezza,
Kahit saang anggulo sipatin ang nanay ko ay may favoritism. Kapag si kuya ang kausap niya ay malumanay ang boses at hindi siya tumatanggi kapag nanghihingi. Samantalang ako ay ang daming sermon bago pumayag kapag nagpaalam ako. Si kuya laging may bagong items, ako ay wala. Ampon kaya ako? – Ching
Dear Ching,
Huwag mag-isip ng negatibo. Hindi masamang magtanong at magsabi kay nanay ng iyong nararamdaman. Baka nagkakataon lang tuwing hihingi si kuya ay may pera si nanay. Iba kasi ang anak na babae na mas iniingatan kung kaya pinaghihigpitan.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest