Misteryo sa likod ng Area 51
Dahil sa isang footage na kumalat sa social media kung saan makikita ang isang alien na tila ini-interview ng isang tao, nabuhay na namang muli ang misteryong nakakubli sa lugar ng Area 51 Air Force facility sa Nevada, USA, na pinaniniwalaang kuta diumano ng mga kakaibang nilalang.
Sa loob ng ilang dekada, sa paningin ng lahat ng nakakaalam, ang Area 51 ay punum-puno ng conspirational theories tungkol sa aliens, galaxies at universes. Tinatago lamang daw ng US Government ang lahat ng ito sa mga tao at ang totoo, mga alien daw ang namamalakad dito. Ganunpaman, sa kabila ng mga usap-usapang ito, wala pa ring napapatunayan kahit isa.
Sa gitna ng isang disyerto, matatagpuan mo ang bungad ng Area 51. Protektado ang gate nito ng mga pasabog, nakakatakot na babala at kung anu-ano pang bitag para sa mga magtatangkang pumasok sa loob nito.
Sa una ay aakalain mong walang tao sa loob nito, pero ang totoo, lahat sila ay nakamasid sayo.
Sa dami ng proteksyon nito para hindi mapasok, magtataka ka kung bakit grabe ang ginagawa nilang pagbabantay dito, ano nga bang meron sa loob?
Ang bansang America ang may pinaka maraming report na sightings ng Unidentified Flying Object (UFO) at abductions o pangingidnap diumano ng mga alien sa mga tao roon, ang ilan pa sa kanila ay naglalahad ng mga kakaibang kuwento na ipinalalabas sa telebisyon. Meron pang mga kuwento na inaanakan sila diumano ng mga alien bago sila ibalik sa Earth at ang iba naman ay tinataniman daw ng microchip sa utak upang makontrol na sila ng mga ito.
Maaaring totoo nga ang mga kuwento sa likod ng Area 51, maaari ring hindi. Ganunpaman, kung hindi man tungkol sa aliens ang tinatrabaho ng mga tao roon, panigurado namang ginagawa nila ito para sa ikabubuti ng bawat tao sa mundo.
- Latest


















