Pagbabayad ng bills on time
Huwag hayaan na mag-overdue ang inyong mga bills. Kung nahihirapan magbayad ng bills, huwag balewalain ang problema. Dahil tiyak na mas lalala pa ang sitwasyon. Mahirap magbayad ng bills on time, pero kailangang matutunan ang skill na pag-aralan itong gawin.
Kapag hindi nahabol ang bayarin, magigising isang araw na baon ka na sa utang at hindi lamang sa amount na ‘di nabayaran, kundi sa malaking interest na iyong kailangang bayaran.
Maaapektuhan ang credit rating at budget sa bahay na mapipilitan kang hindi makabili ng mga items kahit kailangan sa loob ng bahay.
Mahirap mag-manage ng bills, lalo na kung nagsimula nang magpatong ang bayarin.
Simula ito sa pag-organize. Kumuha ng folder o notebook upang itabi ang iyong listahan ng mga bills.
Pwede rin gawing digital ang pagre-record na isulat sa iyong notification sa computer o cell phone. Upang mapaalalahanan kung kailan dapat magbayad.
- Latest