^

Para Malibang

Sino ang unang nagloloko, babae o lalaki?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

* Kadalasan ang lalaki ang dahilan ng paghihiwalay ng isang relasyon dahil sumakabilang bahay. Masyadong marupok ang kanilang damdamin na katuwiran ay tukso na ang lumalapit sa kanila. Kaya lalaki ang madalas ang unang salawahan. – Marie, Pasig

* Marami nang kaso ngayon na iniiwan ang mga lalaki ng kanilang mga partners. Pati ang mga babae ngayon ay malakas na ang loob na mangaliwa na nauuna pa sa mga lalaki. – Vangie, Marikina

* Ngayong pareho na lang, mapa-babae o lalaki. Patas na ang labanan nga­yon lalo na sa social media na open na sa lahat. Kasama mo nga sa bahay ang asawa mo, pero  sa online ay may ka-chat naman hanggang magpalagayan na sila ng loob. Huli na ang lahat bago pa mabuking ng asawa na may kaulayaw ng iba ang ka-partner. – Sol, Los Baños

*Hindi katuwiran na lapitin ng tukso. Kung ta­lagang mahal mo ang asawa o nobya mo, iinga­tan ninyo ang relasyon. Walang ibang makakasira sa pagiging matapat mo sa iyong partner. Kahit pa malayo kayo sa isa’t isa. – Marilou, Hong Kong

* Dapat hindi pinag-uusapan kung sino ang unang magloloko. Kundi kailangang parehong inga­­tan at committed na pa­halagahan ang relas­yon na hindi titingin sa iba para may forever ang pamilya. Hindi ko ipagpapalit ang simple at masayang relasyon namin ng mister ko, kaysa sa ibang lalaki na sisirain lang ang pamilya ko.– Thess, Batangas

LALAKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with