^

Para Malibang

Insecure

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Bakit po ganun, kapag may mga crush ako talagang in-love agad ako? Kaya lang pag may mas magandang girls nai-insecure na’ko. Para bang selos na selos ako. Payuhan n’yo po ako.

Belle

Dear Belle,

‘Wag kang ma-insecure. Sa halip ay dapat mong pagtiwalaan ang sarili mong katangian. Maaring may mga babaeng higit ang ganda sa’yo, subalit panlabas lamang ito at mahalaga pa rin ang kagandahan ng kalooban at ugali. May mga girls na ‘di naman kagandahan pero malakas ang dating at merong magaganda na walang appeal. Kaya nasa sa’yo kung paano mo dadalhin ang iyong sarili. Kahit hindi kagandahan ang isang tao ay puwede pa rin itong maging kaaya-aya sa paningin ng iba. Hindi rin maganda ang sobrang selosa. Crush pa lang yan pero matindi na ang nararamdaman mong selos? Paano pa kaya kung may bf ka na? Baka pagmulan lang yan ng away ninyong mag-nobyo. At bago ka ma-inlove, tiyakin mo munang mahal ka rin ng lalaki, wala siyang gf, mabait, may respeto sa babae at higit sa lahat, maka-Dios.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

INSECURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with