Anak ‘di boto sa gf ni tatay
Dear Vanezza,
Matagal nang single ang tatay ko bilang hiwalay na sila ng nanay ko. Ipinakilala sa akin ang GF niya na ubod naman na sama ng ugali. Feeling maganda at laging gustong umuwi kapag may dinner kami ng tatay ko na kasama siya. Hindi man lang magpakitang gilas para maging boto ako sa kanya. Sabi ng tatay ko ay masama lang ang pakiramdam. Lagi na lang ganyan. Kaya promise ko, hindi na ako sasama sa lakad nila para hindi masira ang mood ko. Tama ba ako? – Mercy
Dear Mercy,
Baka talagang nahihiya pa ang GF ni tatay mo na naninibagong kasama ka. Pakisamahan lang ang GF ni tatay dahil kakalma rin ito kapag nagpalagayan na kayo ng loob. Kung ayaw mo na kasama siya. Tama ang desisyon mo na huwag munang makita ang GF ni tatay.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest