^

Para Malibang

Lobo maaari ring umamo

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Isang wildlife photographer at manunulat na marami nang panahon ang ginugol sa pag-aaral tungkol sa wildlife si Nick Jans. Hindi rin matatawaran ang kanyang dedikasyon kung tungkol sa kalikasan ang pag-uusapan. 

Ganun pa man, naramdaman ni Nick na tila muli siyang naging baguhan sa kanyang propesyon nang ma-assign siya sa Juneau, Alaska.

Naglala­kad-lakad sa labas si Nick nang big­lang mawala sa kanyang paningin ang kanyang alagang aso. Laking gulat nito nang makita niya ang kanyang aso na nilapitan ng itim na lobo.

Akala ni Nick ay aata­kihin nito ang kanyang alaga  pero nagulat siya dahil sa halip na saktan ay nakipaglaro ang itim na lobo sa kanyang aso.

Para kay Nick ay ka-gila-gilalas ang kanyang nasaksihan.

Maraming lokal na residente roon ang nagsabi kay Nick na talagang pala­kaibigan ang nasabing wolf na kalaunan ay pinanga­lanan nilang Romeo. Likas daw na pala­kaibigan ito at nakikipag-laro rin sa kanilang mga aso. Maging sa mga skiers ay nakikipaglaro rin daw si Romeo at kailanman ay hindi nakitaan ng agresibong pag-uugali. 

LOBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with