^

Para Malibang

Batang babae, cannibal at murdered na sa edad na dose!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Takot na takot na nag­sumbong sa kanilang teacher ang ilan sa mga batang napagkuwentuhan diumano ng kaklase nilang nagngangalang Valeria.

Si Valeria, sa unang tingin ay aakalain mong isang normal lamang na batang babae, pero sa edad na dose anyos, may experience na siya diumano sa cannibalism at pagpatay. Kasama pala siya sa isang Russian cannibal at pedophile probe.

Inampon siya ng la­la­­king nagngangalang Arkady Zverev, 22, na namatay na sa kulu­ngan, isang taon na ang nakalilipas.

Sinasabing si Zverev ang nobyo ni Valeria at ito rin mismo ang nag­sanay sa kanya.

Ayon sa salaysay ng batang nakausap ni Valeria, marami na raw itong napatay. Natikman na rin daw niya kung ano ang lasa ng utak at puso. Niluto raw niya kasi ang puso ng isa sa kanyang naging biktima at ang lasa raw nito ay masyadong matamis, habang ang utak naman daw ay mas malasa at mas masarap.

Dahil sa nangyaring ito, ayaw na raw pumasok sa eskuwelahan ng nasabing bata dahil sa takot kay Valeria.

Samantala, dahil sa hindi pa puwedeng ikulong ang batang suspek, dinala na lamang ito sa isang bahay ampunan kung saan tinanggalan siya ng pagkakakilanlan. Pero ayon sa orphanage director na si Antonina Tsibulevskaya, wala raw kakaiba kay Valeria, “an absolutely normal child with no deviations,” base sa kanyang obserbasyon.

vuukle comment

ARKADY ZVEREV

CANNIBAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with