Bad influence na nobya
Dear Vanezza,
Ako po ay 19 years old samantalang ang BF ko ay 16 years old. Pero hindo boto sa akin ang pamilya niya dahil sa agwat ng edad namin. Kasalanan ko ba na ligawan ako ng anak nila? Hindi ako bad influence sa BF ko, tumino pa siya dahil sa akin. Wala kaming masamang ginagawa. Ano ba ang gagawin ko? – Myra
Dear Myra,
Umaalma ang magulang ng BF mo dahil minor pa ang kanilang anak. Mas magandang unahin muna ang inyong pag-aaral upang magkaroon ng pabor sa kanyang parents. Masyado pa kayong bata, bilang nakatatanda sa BF mo ay inspire mo siyang maging masipag sa kanyang pag-aaral para maging good shot ka sa parents niya.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest