Tips at lunas sa chickenpox
Karaniwan ang chickenpox ay gumagaling sa loob ng isa o dalawang linggo kahit walang treatment.
Ano ba ang mga home remedies at tips para sa bulutong tubig?
1. Maligo na may halong oatmeal. Ihalo ang oatmeal sa panligo. Ipahid ito sa balat saka banlawan, pero huwag kakamutin.
2. Magsuot ng mga mittens o medyas bago matulog para hindi makamot o masugatan ang balat.
3. Puwedeng magpakulo ng dahon ng sampaloc o bayabas saka ipang paligo.
4. Huwag kumain ng malalansang pagkain. Kung mahirap lumunok ay humigop na lang muna ng sabaw.
5. Uminom ng maraming tubig upang mailabas agad ang virus sa katawan.
6. Iwasan ang sugary drinks o soda kung may chicken pox sa bibig.
7. Magsuot ng cotton at maluluwang na damit.
- Latest