Summer vacation ng anak
Ang summer vacation ng mga bata ay hindi kailangang maging magastos. Ang best part ng pagiging bata na kadalasan ang mga simpleng bagay ay nagpapasaya na sa kanilang mundo.
Hindi kailangang maglabas ng malaking pera para sa mga activites ng mga anak. Ang summer ang isa sa paboritong seasons ng mga bata. Kaya samantalahin ang mainit na panahon na sila ay maglaro sa labas ng bahay imbes na mga gadgets ang hawak. Hayaan ang anak na mag-explore sa labas na maranasan nito ang nature na mahalaga sa mga bata.
Kung walang budget na i-enroll ang anak sa mga Milo activities, maraming sport clinic na inihahanda ang mga barangay para sa kanilang mga kabataan. Ipa-register lamang mga anak sa mga interest nila na mas maganda kung kasama ang kanilang kaibigan o kalaro upang mas ganahan ang mga anak.
Puwede rin samahan ang anak na magpunta sa library at pabasahin ito ng libro bago matulog sa gabi. Nakapag-enjoy na anak ay nakatipid dahil hindi na gumastos.
- Latest