Pagkaing pang romansa
Epektibo ba talaga ang mga pagkaing aphrodisiacs? Para malaman ang sagot ay kailangang subukan.
Narito ang mga pagkaing sinasabing ‘pampagana.’
Sili - Hindi lang dahil sa kulay na pula ng bungang ito na simbolo ng pag-ibig, kinokonsidera itong natural aphrodisiac food kundi dahil na rin sa taglay nitong anghang na ‘nagpapainit.’
Pero base sa siyensiya, ang sili ay nag-i-stimulate ng endorphins (ang feel-good chemicals sa brain) na nagpapabilis ng tibok ng puso at sanhi ng pagpapawis na siyang nararamdaman kapag naa-arouse, ayon kay Dr. Meryl S. Rosofsky sa panayam ng New York Times.
Avocado - Hugis pa lang ng avocado ay pang-romansa na bukod pa sa flavor nito para ikonsiderang aphrodisiac food noon pang unang panahon ng mga Aztecs.
Ngunit alam ‘nyo bang ang avocado ay may high levels ng vitamin E na makatutulong para mapanatili ang magandang kutis para magmukhang bata at kaakit-akit.
(ITUTULOY)
- Latest