Misis na naging kabit
Dear Vanezza,
Kakakasal ko lang ng ilang buwan, pero nadiskubre ko na ang mister ko ay kasal pala sa iba. Akala ko legal ang kasal namin dahil ako pa ang personal na nag-asikaso ng requirements namin. Ideal husband pa naman ang mister ko na natanso ako. Sabi niya sa akin ay binata siya yun pala may sabit.
Ako pa ngayon ang naging kabit. Pero ayaw niya akong iwanan, pero hindi niya mapigil ang misis niya. Pero ayaw ko nang magulong buhay ano po ang gagawin ko? – Izza
Dear Izza,
Sana ay nag-background check ka muna at kilalaning mabuti ang lalaki. Magpakonsulta sa abogado dahil puwede kang mademanda ng misis niya. Next time ay mas maging matalino na kilalaning mabuti ang lalaki nang hindi napapahamak sa bandang huli.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest