Pabor ka ba na paluin ang bata?
“Oo naman. Sa tingin ko hindi na ito dapat pinagdedebatehan at pinag-aaksayahan ng pansin sa senado. Unang-una, ito ay usaping pampamilya. Maisabatas man ang pagbabawal sa pamamalo sa anak, magulang pa rin ang masusunod. Meron kasing magulang na lumaki sa palo, epektibo yun para sa kanila kaya sa mga anak nila, gusto rin nila paluin. Yung sakto lang naman at hindi yung sobra.” - Bong, 43 years old.
“Hindi po, marami pong paraan para madisiplina ang anak. Pwede naman po yan sila kausapin nang maayos. ‘Pag pinalo kasi ang anak, may tendency na mamalo rin yan. ‘Di n’yo alam nagiging mapanakit na pala ang inyong mga anak sa ekswelahan dahil din mismo sa mga magulang.” - Marcus, 50 years old
“Depende... Pwede naman na paluin pero hindi naman yung sobra. Yung sakto lang na magtatanda sila sa kasalanan. Kawawa rin naman kasi kapag pinalo mo, sayo rin ang balik niyan dahil baka may kung anong gawin yan sa school, aba eh, ikaw ang sisihin.” - Samson, 25 years old.
“Personally hindi kasi kami nakatikim na never kami pinalo, at successful naman ang pagpapalaki sa amin, hindi kami lumaking nananakit pero may disiplina. So I guess, nasa atin yan lahat. Lahat nadadaan sa maayos na usapan. Lalo na mga bata yan, may tendency na magtanim yan ng sama ng loob sa mga magulang at dalhin nila hanggang sa paglaki.” - Jake, 19 years old
“Magulang ang masusunod pagdating sa ganyan. Anak nila yan at pwede nila gawin kung anong klaseng disiplina ang sa tingin nilang makabubuti. - Boni, 35 years old
- Latest





















