May Asim pa ba si Misis?
Likas sa mga babae na inaamin na kailangan nito si mister upang makumpirma at ma-express ang kanilang love at appreciation sa pamamagitan ng kanilang salita at action.
Importante sa mga babae upang malaman lalo na pagkatapos manganak, magkaedad, at na kapag lumilipas na ang kabataan. Dahil naglalaho na rin ang itsura, ang kaseksihan, para makumpirma kung desirable pa ba si misis, may asim pa ba, kaaakit-akit pa ba sa mata ng mga mister.
‘Di ba gusto ng mga misis na magkaroon ng security sa pagmamahal ng kanilang asawa. Pero siyempre dapat hindi rin pababayaan ni wifey na maging losyang, amoy kusina, o pawis kahit sa rami ng mga ginagawa sa bahay at pag-aasikaso sa mga bata.
Gusto pa rin marinig ng mga misis ang katagang “I love you” at “maganda ka” na parang kailan lamang noong nagliligawan pa. Nasasabi pa ba ni mister ang ganyang mga salita sa kabila ng madumi ang bahay at walang make-up ang asawa.
Siyempre iba na ang sitwasyon, pero may mga mababait na mister ang naglalambing, yumayakap, at humahalik kay misis. Sa maniwala o hindi si misis, pero totoo ang pagsasabi ni hubby ng “mahal kita.” Parang switch nagbibigay ilaw sa pandinig ni misis.
Pero tama si mister na hindi kailangan marinig ang affirmation at love ni mister. Kung ang tingin ni misis ay nambobola lang ang asawa o kung hindi papansinin ang compliment ni mister balewala ang effort ng lalaki.
Kaysa sa makinig sa sariling insecurity at emosyon si misis, kailangan nitong maniwala sa katotohanan na mahal siya ni mister at tanggapin ang language of love ng asawang lalaki na minsan ay hindi lang masalita o palakibo.
- Latest