Mister Isang Dekada na ang Lihim
Dear Vanezza,
Napanood ko sa Facebook live sa Dubai ang testimony ng isang babae na kinaaaniban din naming church na nagpapasalamat na 10 years na silang magkasama ng kanyang mister. Laking gulat ko dahil mister ko ang katabi niya. Samantalang 33 years na kaming kasal ng asawa ko hanggang ngayon. Kaya pala bihira lamang siyang magbakasyon dito sa ‘Pinas dahil mayroon na siyang kinakasama sa ibang bansa. Ano po ang dapat kong gawin? – Jane
Dear Jane,
Maaaring makipag-ugnayan sa inyong local church upang makipag-connect sa church sa Dubai para mabigyan ng disiplina ang iyong mister at kanyang kinakasama. I-report din ito sa kanyang opisina para deretso maibigay sa inyo ang buo niyang suweldo. Huwag patatalo na ipaglaban ang iyong karapatan bilang legal na misis. Kausapin din ang iyong mister sa kanyang maling ginagawa ngayong buking na siya sa kanyang lihim na itinago sa loob ng isang dekada.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest