^

Para Malibang

Basic Rule sa Budget

PRODUKTIBO - Pang-masa

Paano nga ba maii­wasan na maging mahirap? Kung magpopokus na maiwasan na magkaroon ng malaking pagkakamali upang maayos ang problema sa pera. Una ay i-settle ang iyong budget. Karamihan sa problema ay walang budget sa mga gastusin. Kung walang idea kung saan magsisimula, sundin ang 50/20/30 rule pagdating sa pag-budget.

Una, ang 50% ng iyong net income ay dapat mapunta sa housing, pagkain, pamasahe, at ibang utility bills.

20% ay dapat mapunta sa savings at pagbabayad ng utang.

30% para sa sarili.

Importante na maaalala ang paghahati ng pera ayon sa net income. Huwag gagawa ng budget mula sa gross pay dahil madidismaya kapag nabawasan na ang tax na mahihirapan na mapunuan ang mga bills.

Huwag balewalain ang problema sa pera. Dahil nagdudulot ito ng stress, pressure sa relasyon, anxiety, at kahit depression. Ang maling desisyon ay puwedeng magpalala sa sitwasyon. Kung kailangan ng pera ay huwag matakot na humingi ng tulong sa financial expert.

I-educate ang sarili dahil wala nang mas makapapawi ng pag-aalala kung inaalam ang positibong hakbang sa tamang direksyon. Ang 50/20/30 rule ay nakatutulong sa indibidwal na magkaroon ng category ang portion ng kanilang pera. Puwedeng magsimula sa 50/0/60 na magba-budget na kailangan sa savings upang makaahon sa utang at sobrang gastos.

PRESSURE

STRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with