^

Para Malibang

Responsibilidad ni Mister kay Misis

Pang-masa

Ang mga mister ay mayroong specific na assignment kung paano mahalin ang kanilang mga misis: ito ay ang “pag-nourish” at “pag-cherish” kay wifey.

Ang salitang “nourish” na ibig sabihin ay “to feed” na pakainin ganundin bilang “to nurture to maturity.” Assignment ng mga lalaki ay tulungan si misis na lumago. Si misis ang number one na responsibilidad ni mister para mag-grow ito hindi lang emotionally at mentally, kundi maging sa spiritual na aspeto.

Ibig sabihin ay kailangang ipanalangin si misis sa lahat ng kanyang panga­ngailangan. Noong maliliit pa ang mga anak ay nakakahanap ng paraaan si mister na magkaroon ng oras upang makausap nang sarilinan si misis. Sa lahat ng pagkakataon, kausapin si misis patungkol sa kanyang pagkatuto o learning sa maraming bagay.  Pakainin si misis ng spiritual na nutrients na kailangan nito.

Ang salitang “cherish” ay isang termino na ang ibig sabihin ay “to warm ­another.” Ito ay sa paraan na naghablot ng kumot sa iyong sarili tuwing malamig ang gabi. Para uminit ang pakiramdam sa malamig na panahon. Upang mabawasan ang lamig na nararamdaman.

Katulad din ng pagtrato kay misis. Ang bawat maybahay sa kahit anong panahon o season ng buhay, kailangan si mister ay gumagamit ng mga salitang nagpapainit sa kanyang kaluluwa, nagpapasaya, nagbibigay encouragement, affirmation, at pang-unawa. Kailangang pumasok ni mister sa mundo ni misis. Maglaan ng oras kay misis higit pa sa kahit kaninong tao sa buong mundo.

Upang dumating ang oras na hindi manghihinayang na balikan ang mga masasayang pagsasama kasama si misis. Ang haligi ng tahanan ay dapat magbigay ng atensyon kay misis na i-nourish at i-cherish ang iyong maybahay.

Tanungin si misis kung natutulungan ba siyang mag-grow sa pag-nourish at cherish na kailangan ng asawa.

MENTALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with