^

Para Malibang

BF Habol ang Virginity ni GF

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Mula pagkabata ay iminulat na kaming magkakapatid sa pagpapahalaga sa pagkadalaga ng isang babae. Sa edad na 28 years ay virgin pa ako. Ang problema ko ay ang aking bf na gustong may mangyari sa amin.

Dalawang buwan pa lang kami pero isang buwan na siyang nangungulit na makikipag-break siya sa akin kapag hindi ako pumayag. Dapat ko ba siyang pagbigyan? - Jhel

Dear Jhel,

Halatang virginity mo lang ang habol ng bf mo. Hindi mo pa nga siya lubos na kilala ay masyado na siyang mapangahas. Ang isang maginoong lalaki ay hindi namimilit at nagbabanta kung hindi mapagbibigyan sa gusto niya. Kapag ipinaubaya mo sa kanya ang iyong virginity, maa­ring muli niya itong hingin at baka dumating ang araw na magsawa siya at iwan ka.

Ang mas masaklap, baka mabuntis ka ng wala sa panahon. Ikaw ang talo dahil ikaw ang nawalan. Kaya hindi ka dapat nagpapasindak sa pananakot niya. Iningatan mo ang iyong pagkababae at kukunin lang niya sa napakadaling paraan.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

VIRGINITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with