Stop and Listen
Isang grupo ng karpintero na naggagawa ng bahay ay nagpapahinga para sa kanilang hapunan. Nang bigla dumating ang isang bata na naririnig ang kuwentuhan ng mga lalaki. Ang isang karpintero ay nawawalan ng relo habang nagtatrabaho, kahit ilang oras na niya itong hinahanap, pero hindi pa rin makita.
Sumingit ang bata sa usapan na kung puwede niyang hanapin ang relo. Nagtawanan ang mga karpintero, sabay takbo ng bata sa loob ng madilim na kuwarto na walang kuryente. Sa loob ng 30 minutes ay bumalik ang bata hawak ang relo sa kanyang kamay. Hindi makapaniwala ang mga lalaki na nagtataka kung paano nahanap nito ang relo. Simpleng sagot ng bata na tumigil siya sa gitna ng kuwarto at pinakinggan ang tunog ng relo.
Karamihan sa atin lalo na ang mga lalaki ay inaakusahan na hindi nakikinig mabuti. Bihira sa atin ang tumigil na magkaroon ng pokus at atensyon upang marinig ang sinasabi ng asawa. Sa halip ay mabilis na sinasabihan ang asawa ng masasakit na salita. Bagkus ay nagbibitiw agad ng mga statement bago muna sana makinig at intindihin ang sinasabi ni misis o mister.
Sa mga seryosong pakikipag-usap o pagtatalo ay kailangang tumigil at makinig. Pwedeng magtanong upang mas lalong maunawaan ang sinasabi ng kausap. Kadalasan kapag nasasabihan na hindi ka nakikinig ay tama. Ilang beses ba dapat banggitin o ulitin ang sinasabi sa iyo? Kundi dapat ay magbago ng habit na maging good listener sa iyong partner.
- Latest






















