Obsession ng kababaihan sa body image
Ang holiday ay punung-puno ng maraming bagay na feeling parang may butterfly na lumilipad sa tiyan and the same time ay nasisiyahan at mayroong comfort. Sa sunud-sunod na Christmas party na dinadaluhan ay napaparami rin ang pagkain ng mga sugary kahit pa bite-sized treats. Pinipilit tuloy na higpitan ang jeans.
Ang holiday season ngayon ay malaking hamon sa lahat, lalo na sa mga nagda-diet. Mas nagiging komplikado dahil kahit gustong mong magpigil kumain, pero mahirap tanggihan ang masasarap na inihandang pagkain. Yung may struggle na mahalin ang katawan at pangalagaan ito. Sinubukan na ang lahat ng brand ng diet, exercise program, paggi-gym, at workout. Ang ibang regime ay nagtagumpay naman na minsan ay nababawas ang timbang. Pero maraming panahon din na nahuhulog sa bandwagon at tumataba uli. Hindi ka nag-iisa na ma-stress, ma-pressure, at minsan ay madismaya. Marami nang ginagamit na pagkain o exercise upang subukan na mapunuan ang gap dahil sa puwang na nararamdaman na kawalan sa sarili. Kapag kumakain ay nakararamdaman pa rin na malungkot, ma-overwhelm, mag-crave, o tumakas. Tumatakbo pero hindi makapag-isip nang maayos. Ang iba ay ina-idolize ang bahagi ng hugis o korte ng katawan na iniiwasan ang ibang klase ng pagkain na naghahangad na sana ay mabago ang kanilang figure. Ang obsession ng mga kababaihan sa image ng kanilang katawan ay para ring desisyon na labanan gaya ng drugs. Kailangang na magkaroon ng balanse kung paano itatrato ang sarili gaya ngayon na panahon upang magsaya ang lahat.
Ang diet at exercise ay dapat nakaplano, pero hindi ito magkakasya sa lahat ng okasyon. Gaanoman kahalaga ang specific na kailangan ng health, magkaroon pa rin ng kalayaan ngayong holiday season na magkaroon pa rin ng balanseng diet kasama ang pamilya.
- Latest