Kailangan bang bongga ang handaan ngayong holiday seasons?
“Tradisyon na ng aming pamilya ang maghanda tuwing Pasko. Katunayan, mas pinaghahandaan pa nga namin ito kesa sa Bagong Taon. Saka kapag Pasko, mas kumpleto ang aming pamilya.”
- Ethan, Fairview
“Depende po ‘yan. Pagdatingan ang buong pamilya ko lalo na yung mga galing ng ibang bansa, bongga ang handa sa Christmas. Pero kapag kami-kami lang ng mga kapatid ko, spaghetti at ham, solb na.” Ferdie, Cubao
“Bongga ang handa namin sa Pasko. Dito kasi, pwede mong ihanda ang lahat at hindi tulad ng sa New Year na may mga bawal dahil sa pamahiin. Hahaha. Kumbaga rito paligsahan kami ng aking mga kapatid sa kani-kanyang putahe.” - Engi, Abra
“Hindi po ganun karami ang mga nasa hapag-kainan namin sa Pasko. Ang importante magkakasama kami. Hehe. Yun naman ang tunay na diwa ng Kapaskuhan. Yung kumpleto kayo ng pamilya. At syempre, ‘di mawawala ang hamon. Hehehe.” - Ron, Rizal
“Boring ang Pasko namin. ‘Di tulad nung bata pa kami na maraming handa at palaro. Siguro ganun talaga kapag tumatanda. Maiisip mong pang bata na lang ang Christmas at ang New Year naman ang para sa matatanda. Kasi dun mo mae-enjoy ang pag-iingay. Hahaha!” - James, Manila
- Latest