Self-management Para sa Vertigo
Ang nararanasang vertigo ay puwedeng i-manage sa sariling pangangalaga depende sa dahilan ng naturang sakit. Maraming puwedeng gawin na makatutulong upang malabanan ang mga sintomas. Ang iyong doktor o specialist na magpapayo na gawin ang mga sumusunod na simpleng exercise upang ma-correct ang mga sintomas ng vertigo.
1. Matulog na medyo nakahilig sa dalawa o tatlong unan.
2. Dahan-dahan ang pagbangon mula sa kama. Umupo muna sa dulo ng higaan ng ilang minuto bago tumayo.
3. Iwasan na yumuko kapag may pupuluting bagay sa sahig.
4. Huwag ibanat ang leeg kapag may aabuting mataas na bagay sa isang drawer.
5. Maingat na igalaw ang ulo nang dahan-dahan sa araw-araw na activities.
6. Gawin ang mga exercise na nagpapa-trigger ng iyong vertigo, upang masanay ang brain para mabawasan ang mga sintomas na nararadaman.
7. Mag-ehersisyo pero siguraduhing hindi matutumba na humiling ng alalay sa kasama sa bahay.
- Latest