Pamalit sa diamond, nahanap na!
“Diamonds are forever” ang sikat na kasabihan na hanggang ngayon ay naririnig natin. Ibig sabihin, kapag ang babae ay nakatanggap ng engagement ring na may diamond ay panghabambuhay na siyang mamahalin ng kanyang soon-to-be-husband.
Ganun pa man, hindi naman abot-kaya ng lahat ang diamond.
Pero walang dapat ipag-alala ang mga lalaking gustong mag-propose sa kanilang gustong mapangasawa dahil may gem na kasing ganda at kasing tibay rin ng diyamante.
Ito ay ang morganite, isang semi precious stone. Ayon sa sikat na jewellery designer na si Natalie Marie, isa ito sa mga bato na paborito ng Duchess of Sussex na si Meghan Markle.
Kabilang ang morganite sa family of gems ng emerald at aquamarine.
May pagkakulay pink ang morganite dahil sa presence ng manganese at sa natural state nito ay nagmumukha itong peachy-yellow. Ang iba naman ay nagmumukhang pink na napakasarap sa mata.
- Latest

















