Nahawaan ng STD sa Black Swan
Dear Vanezza,
Personal po ang problema ko at medyo mabigat. Ako po’y first year college student. Niyaya ako ng ako ng mga kagrupo ko sa “Black Swan”. Wala pa kasi akong experience sa sex kaya bibinyagan nila ako. Matapos ang isang linggo ay nahihirapan na akong umihi. Tapos may mantsa ang aking brief. Nakuha ko po ata ito sa babaeng ibinigay sa akin. Sinisikreto ko po ito sa aking mga magulang dahil nahihiya ako. Gusto ko sanang magtanong kung may alam ka bang effective na gamot. Sana’y matulungan mo ako. - Manuel
Dear Manuel,
Kailangan mong kumonsulta sa doktor na siyang may higit na kaalaman para magbigay at magreseta sa iyo ng mabisang gamot. Habang maaga para hindi na lumala pa ang sakit mo. Kung hindi, kakalat ang virus sa katawan mo at magkakaroon ng komplikasyong puwedeng mauwi sa mas malalang sakit o infection. Madali lang ang gamutan diyan pero talagang doctor lang ang tanging makatutulong sa iyo. Maging aral sana sa’yo ang naging karanasan mo.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest