Unfair ang buhay na dapat masanay
Dear Vanezza,
Bakit ganun unfair ang buhay na wala akong balak na masayang. Si kuya ay puwedeng lumabas ng bahay kahit maghapon at hindi tumutulong sa bahay.
Komo babae ako ay ako lang ang dapat nasa bahay na gumagawa ng gawaing bahay. Ang masakit pa ay bawal pa akong tumanggap ng manliligaw.
Hindi ba nila alam ang ipinagmamalaki at paborito nilang anak ay saksakan ng babaero. May GF na dinadala sa bahay namin tapos iba pa ang GF sa school namin.
Bakit ganun si kuya lamang may karapatan na gawin ang mga privilleges samantalang ako walang pagkakataon na maging malaya. ‘Di unfair naman talaga ang buhay?
Jamie
Dear Jamie,
Pinoprotekhan ka lang ng iyong magulang. Kapag dumating ka na sa tamang edad ay tiyak na papayagan ka nina tatay at nanay na may umakyat ng ligaw.
Huwag maiinggit sa iyong kapatid kung alam mong mali ang kanyang ginagawa. Tandaan na lahat ng bagay ay may karma at kapalit.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest