^

Para Malibang

Natural na Panlunas sa Kulugo

PITO-PITO - Pang-masa

Ang kulugo ay puwedeng masakit at nakakahiya kung paano ito i-deal. Madalas ang kulugo ay nawawala kahit hindi pinagagamot kaso lang ay matagal itong mangyari. Minsan kapag umaabot na ng ilang buwan o taon ang warts ay lumalalim at kumakalat na ito sa sistema ng katawan sa balat.

Pero marami ring natural na remedies kung paano matatanggal ang mga kulugo sa kamay, paa, o ibang bahagi ng katawan.

1. Magpahid ng sariwang pineapple direkta sa kulugo ng ilang araw.

2. Ihalo ang baking powder at castor oil na ga­wing paste. I-apply sa kulugo tuwing gabi na lagyan ng bandage.

3. Pumitas ng dahon ng aloe vera na ipahid ang gel nito sa kulugo. Ang aloe ay naglalaman ng malic acid para matuyo ang kulugo. Kung walang halaman ng aloe vera ay puwedeng bumili ng aloe gel.

4. Maglagay ng honey bee syrup tuwing gabi na lagyan ng takip hanggang umaga.

5. Dikdikin ang aspirin gaya ng Vitamin C. Lagyan ito ng konting tubig hanggang maging paste at ipahid sa kulugo at takpan ng overnight.

6. Maghugas ng kamay. Ang kulugo ay naipapasa sa ibang tao. Mas madali itong kumalat sa sariling katawan. Tuwing hahawak sa kulugo ay kakalat din ang virus sa ibang parte ng katawan.

7. Palakasin ang immune system. Tuwing pagod, puyat, at may sakit ay mas madaling magkaroon ng warts. Magkaroon ng sapat na tulog, mag-ehersisyo, at kumain ng healthy na pagkain upang ma-boost ang immune system.

KULUGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with