Disaster na party para sa anak
Nagdesisyon si mama na ballerina ang gawing theme sa party ng 7 years old na anak. Naghanap pa si nanay ng mao-order na malaking cake na mayroong malaking ballerina sa tuktok ng cake. Pinadagdagan pa niya ng maraming decoration sa paligid ng cake. Gaya ng 50 pieces na mga fancy-dress guards na may matching peppermint trim na icing.
Ang catching sa naganap na party, walang bata na gustong kumain ng handa maging ng napakagandang cake. Ang disaster pa sa kuwento nag-isa isang nag-unahan ang mga nanay para kunin ang mga cute na laruan para sana sa mga bata. Mayroon pang 6 years old na bagets na kanina pa tulog. Mayroon naman isang kalaro na binuksan na ang kanyang regalo para sa may birthday. Lahat ay hangad ng masayang party at memories. Samantalang ang nagbigay ng party ay mataas ang pagpapahalaga sa selebrasyon at tradisyon. Sino ba ang ayaw ng milestones na isang hindi malilimutang moments. Pero kailangan ba talagang dumaan pa sa kompitesyon, stress, at showmanship sa pagpaplano sa party ng anak. Mungkahi ng ilan na hindi na rin kailangang magbigay ng giveaways sa mga batang dadalo. Reklamo nga ng mga nanay ay hindi na kailangan ng extra na lapis, eraser, at iba na bitbit ng mga anak pauwi. Kundi hinahayaan lamang nilang maglaro at mag-enjoy ang mga bata sa party. Kaysa i-orchestrate na masyadong wild at elaborate na games at activities.
Pinakamahalaga ang kasiyahan na pagsama-sama ng pamilya at kaibigan, na huwag hayaan na madala sa pressure na gawing five-star amusement park ang iyong garahe o likurang bahay.
- Latest