GF na baog takot pakasalan si BF
Dear Vanezza,
Dalawang taon na kami ng BF ko na nagyaya na siyang magpakasal. May diperensiya ako at hindi ako puwedeng magkaanak. Natatakot akong makipaghiwalay siya sa akin kapag nalaman niya ang totoo. Pero naaawa rin ako dahil gusto niyang magkaroon kami ng maraming anak na kailaman ay hindi mangyayari. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoong sitwasyon ko?
Mhel
Dear Mhel,
Karapatan ng BF mo na malaman ang iyong kalagayan. Malay mo magbago ang kanyang pananaw na piliin ka pa rin niyang pakasalan. Ihanda ang sarili kung magdesisyon siyang makipaghiwalay dahil hindi mo matutupad ang kanyang pangarap.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest