Mapapatawad mo ba si mister o misis kung mahuli mong may iba?
“Actually po nangyari na po iyan sa akin. Sobrang nakakalalaki po yun pero dahil mahal mo, pagbibigyan mo at patatawarin mo. Pero sana hindi na maulit kasi mahirap ibalik ang tiwalang nasira.” Nestor, Laguna
“Parang hindi ko na mapapatawad kapag ganun. Nakakayurak yun para sa amin mga lalaki. Saka parang ibig sabihin lang nun, hindi ako mahal ng misis o girlfriend ko dahil nagawa niya akong pagtaksilan. Kaya sa tingin ko, hindi na kailangan pa ng patawaran dahil tatapusin ko na agad ang ugnayan namin.” Errol, Makati
“Nahuli ko ang girlfriend ko na ka-text ang ex niya. Nagalit ako nang sobra pero dahil mahal ko, naging marupok ako at pinatawad ko. Kapag natuto ka namang magpatawad, mawawala ang galit sa puso mo at maibabalik ang tiwalang nawala.” Arland, Pangasinan
“Depende siguro sa level ng pagtataksil. Siguro kung nahuli kong ka-text o ka-chat, kaya ko pang patawarin pero kapag nagkaroon sila ng physical contact, nagkita at kung anu pa, malamang na hindi ko na patawarin.” - Dion, Cebu
“Parang hindi na, kasi napakahirap nang ibalik yung tiwala. Siguro kapag nahuli ko siyang may iba, ang tendency niyan, lagi ko lang siyang paghihinalaan.”
- Ranier, Pampanga
- Latest

















