Mapagsamantalang manugang
Dear Vanezza,
Grabe yung gf ng anak ko na ang lakas ng loob na gustong kumuha ng cell phone, pero nakikiusap na gamit ang credit card ko. Sobrang mahal pa ang CP ha. Buti kung boto ako sa kanya, eh dahil lang sa anak ko ay hindi ko siya papansinin. Payagan ko ba ang kapal ng mukha ng hilaw kong manugang. - Mommy Neng
Dear Mommy Neng,
Puwedeng tumanggi kung labag sa iyong kalooban. Paano kung mag-break sila, kapag usaping pera ay dapat mag-ingat dahil baka ikaw pa ang magbayad sa bandang huli. At least ngayon kilala mo na agad ang kulay ng mapagsamantalang hilaw na iyong manugang.
- Latest