^

Para Malibang

Puppet na sinapian, nanakal ng tao

MRYOSO - Pang-masa

Hindi makapaniwala ang Paranormal Investigator na si Jayne Harris nang subukan niyang maglagay ng camera sa tapat ng isang glass cabinet kung saan nakalagay ang isang puppet na nai-surrender sa kanya mula sa isang pamilya.

Sinubukan niyang i-play ang mga nakaraang footage sa nasabing came­ra at laking gulat niya nang mapanood niya ito na mag-isang gumagalaw.

Ang nasabing puppet ay mula sa isang lalaking ayaw nang magpakilala, galing ito sa gamit ng kanyang yumaong ama.

Gusto na raw kasi ­niyang maglinis at itapon na ang mga hindi kaila­ngan, napagdesisyunan nila ng kanyang asawa na ang puppet na lang ang itira bilang alaala ng kanyang ama.

Isang gabi ay nakaaninag siya ng anino at laking gulat niya nang makita ang puppet na sinasakal siya. Hindi na siya nagdalawang isip pang ipamigay na lang ito.

Marami ang kumuku­westiyon kay Jayne sa ini­labas niyang footage pero sinabi nitong mahirap gawing fake ang video. Seven teen years na siya sa larangang ito at ibang klase raw ang nakita niya.

Ayon pa sa medium na kanyang nakausap, ma­tandang lalaki raw ang na­kakulong sa loob ng puppet at nagagalit daw ito, gusto nitong lumabas pero hindi niya magawa.

Nakalagay ang puppet sa isang glass cabinet na binasbasan ng holy water at hindi basta-basta nabubuksan.

vuukle comment

TAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with