^

Para Malibang

Pangalawang Anino (555)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olvidado - Pang-masa

 NARARAMDAMAN ni Angela ang kapangyarihang lumulukob sa bundok na banal.

Itim. Masama. Masakit.

Siya lamang at si Yawan ang nakakaramdam ng sakit. Hirap sa paghinga. Katawan na parang pinipiga.

“AAAAHHHHH!” Napapasigaw na si Ange­la.

At may isa pang sumi­sigaw. Nasasaktan din. Nahihirapan.

“AAAAAHHHHH!” Si Yawan.

Napatingin sa direksiyon niya si Angela.

“S-si Yawan, pareho kaming apektado. Ka­ming mga hindi nagagalit, nasasaktan at nahihirapan naman.”

Kahit hirap sa pag­lakad, pinilit ni Angela na makalapit kay Yawan.

Natumba siya. Hindi makatayo.

Nakita niyang bumagsak na rin sa mga damo si Yawan. At hindi rin makatayo. Namimilipit sa sakit.

Parang may puwersang dumidiin din dito sa lupa.

Sina Yawanaya naman at Alona, dahil nga nagagalit kay Ariel ay parang walang nakikita.

Si Ariel lalo na. Madi­lim na ang isip nito, nanlilisik ang mga mata.

Ang tatlo ay nilukukuban ng kapangyarihang hawak ni Pio. Naghahari ang kapangyarihan ng demonyo sa bahaging ito ng bundok na banal.

SA IMPIYERNO ay nangungulo ng dasal ang hari ng mga demonyo. Ang mga kampong demonyo na napakarami ay sumusunod.

Nagdadasal sa kanilang hari.

Ang apoy ay lalong naglalagablab.

Ang kanilang kapangyarihan ay naglakbay. Patungo sa bundok na banal. Ang bundok ng Diyos.

Ang mga kulog at kidlat ay lalo pang nagngi­ngitngit.

Si Angela lamang ang nakakasaksi ng lahat. Ang nakatakdang pagkatalo ng kabutihan sa mismong bundok ng kabanalan.

“H-hindi ... hindi dapat matalo.” Hirap na nagsalita si Angela.

Sinisikap niyang utusan ang sariling katawan na magpalakas. Kaila­ngang makalapit siya kay Yawan para magsanib puwersa sila.

“Alam ko na ... kailangang ... lumaban kami ni Yawan ... ipag...tanggol ang bundok na banal. Kaming dalawa ang pag-asa.”    ITUTULOY

 

PANGALAWANG ANINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with