Ikaw at ang Zodiac Signs
Capricorn:
Ultimate wish niya ay yumaman at maging makapangyarihan. Hindi emosyonal ang mga Capricornian. Mabagal sila pagdating sa panliligaw. Mahina nang manligaw, napakaselan pa sa pagpili ng makakarelasyon. Pero kapag natagpuan ng Capricornian ang kanyang pakakasalan, makakasiguro ang kanyang asawa na siya lang ang mamahalin at wala nang iba.
Ang Capricornian lady ay babaeng pambahay, maasikaso sa asawa at mga anak pero kulang sa pagiging romantika. Nais niya’y manirahan sa tahimik na lugar, hangga’t maaari ay malayo sa mataong lugar.
Ang compatible sa kanya ay Scorpio, Cancer or Pisces. Lucky days ay Biyernes, Martes, Sabado at Miyerkules. Magandang tumaya sa Martes at Biyernes. Sa Sabado gawin ang may kaugnayan sa negosyo. Sa Martes pumirna ng mga dokumento at kontrata. Lucky numbers ay 6, 9, 8. Iwasan ang 3. Masuwerte ang white, black, red at blue. Iwasan ang yellow at green.
- Latest