Good Habits ng mga Anak
Ang all around na kalusugan ay mahalaga sa mga anak at adults.
Importante na mag-set ng boundaries at i-encourage ang mga anak na matulog nang maaga at mahabang oras, kumain ng mga healthy na pagkain at maging active.
Huwag hayaan na maghapon na maglaro ang anak sa labas o loob ng bahay ng computer o anomang games sa cell phone.
Lalo na kung edad ng mga bata ay 7 years old pa lamang na pumapasok na sa eskuwelahan. Dahil pagpupuyatan lang ng anak ang paglalaro ng CP kaya wala rin gana pagdating nito sa school.
Bagkus ay palabasin sila ng bahay para makipaglaro sa kanilang mga kaibigan. Turuan ang anak ng mga benepisyo kung paano aalagaan nito ang kanyang sarili.
Sa halip na magpokus ang anak sa kanilang itsura. Ipaliwanag din na kung paano nakokonsensiya ang mga magulang sa pagbili ng fast food na pinapakain sa mga bata.
Kundi ay laging turuan ang mga anak na magkaroon ng good habits sa pagkain nang sama-sama sa loob ng bahay.
Samahan ang anak sa pagbibisekleta at magkaroon ng oras sa pagsusulat sa kanilang journay o pagdo-drawing upang mapukaw ang creativity ng mga bata.
- Latest