Game Over
Ang isang 14 years old na binatilyo ay naglalaro ng long table tennis na na-diagnose ng kakaibang neurological na sakit. Sa pag-struggle nito ay minsang nagagalit sa kanyang sarili. May warning ang kanyang nanay na kailangang matutunan ng anak na ma-deal ang kanyang nararamdaman. Kahit ilang beses pang nasubukan ang limit ng galit ng nagbibinatang lalaki na nadadala ng kanyang inis at nauuwi sa masamang action gaya ng pagmamaktol.
Maliban sa isang tournament ay nalamangan ito ng kalaban. Hanggang pinapalo na ng lalaki ng raketa ang kanyang ulo. Pinagmamasdan lamang ito ng kanyang nanay. Hanggang ihagis ng binata ang raketa sa upuan dahil sa natatalo na ito. Hindi na nakapagtimpi ang nanay sa anak at pinatigil na ang laro. Sa dahilang poor ang sportsmanship ng kanyang anak. Nagulat ang anak sa ginawa ng kanyang nanay na hindi nito makakalimutan. Maging ang mga manonood ng laro ay na-shock sa desisyon ng magulang.
Pero ang mahalaga sa nanay ay ma-train ng magandang character ang kanyang anak. Kapag ang anak ay kailangan nang pigilan sa kanyang bastos na behavior ay huwag matakot na ituwid ang kanilang pag-uugali. Pagkakataon ito upang mag-grow ang kanilang character. Dahil hindi ang manalo dapat ang main objectives ng game kundi ang pagkakaroon ng tamang behavior at pananaw sa buhay.
- Latest


















