^

Para Malibang

Lalaki hindi na nakabalik matapos pasukin ang Paris catacombs

MRYOSO - Pang-masa

Naging usap-usapan noon ang footage ng isang misteryosong lalaki na pinasok diumano ang Paris catacombs at hindi na muling nakabalikpa. Ang Paris catacombs ay sikat na puntahan ng mga turista, isa itong tunnel kung saan nakalagay ang milyun-milyong buto ng mga taong namatay.Inabot ng mahigit 12 na taon ang siyudad bago mailipat ang lahat ng labi ng mga taong ito.Sinasabing ang lalaki ay pumasok daw ng ilegal sa tunnel kaya naligaw, wala rin daw itong kasamang guide.Kitang kita sa footage kung paano ito kumaripas ng takbo. Nabitawan niya ang hawak na videocam pero dinig pa rin ang kanyang mga yabag.
Isang grupo ng explorer ang nakakita sa nasabing videocam at agad itong dinala sa mga pulis para maimbestigahan.Maraming nagsasabi na ang footage raw na iyon ay peke at ginawa lamang para magsilbing panakot sa mga gustong pumasok doon ng walang paalam. Pero ayon sa mga propesyonal, halata raw na hindi kabisado ng lalaki ang nasabing tunnel.
Hindi lang ito ang unang pagkakataong may pumasok doon at hindi na nakalabas.Taong 1793 nang matagpuan ang katawan ng lalaking nagngangalang Philibert Aspairt, 11 taon na ang nakalilipas matapos niyang mawala.
Natagpuan ang katawan niya kung saan malapit na niyang maabot ang exit.

PARIS CATACOMBS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with