Pampahaba ng pilik-mata
Ang pagkakaroon ng mahabang pilik-mata ang isa sa katangian ng pagiging maganda para sa maraming kababaihan. Usung-uso ang mga produkto na mabilis na makakapagpahaba ng iyong mga pilik-mata pero ito ay may kamahalan.
Samantala, mayroon din namang natural na pamamaraan para mapahaba ang mga ito. Heto ang ilan:
• Masahe – Masahihin ang paligid ng mata bago matulog para ma-relax ang iyong mga muscles. Gawin ito ng dahan-dahan bago matulog at pagkagising.
• Castor oil – Ang castor oil hindi lang sa pagpapahaba ng pilik-mata kundi maging ng ating buhok at kilay. Bago matulog, ipahid lamang ito gamit ang malinis na cotton buds sa ibabaw ng ating mga pilik mata.
• Lavender oil – Ayon sa isang pag-aaral, napatunayan nang epektibo ang lavender oil sa pagpapatubo ng buhok, ihalo lamang ito sa coconut oil at ipahid bago matulog. (kumunsulta muna sa doctor kung ikaw ay may allergy).
- Latest