Coffee table design
Ang simpleng pag-transform ng inyong coffee table ay malakas na makapagbibigay ng kakaibang aura sa inyong sala. Hindi lang ito para sa tradisyonal na patungan ng mga magazine, mails, o ginagawang trays na mas nagmumukhang madumi dahil sa tambakan ng kung anu-ano.
Kung mayroong glass-top coffee table ay subukan na maglagay ng picture sa ilalim nito upang magkaroon ang salamin ng bagong look. O ‘di ba dahil sa personal touch sa space ay mabilis na nababawasan ang kailangan na mas madali ang pagpapalit ng mga photos.
Hindi kailangan ng mamahaling glass-topped coffee table, kung gusto ang idea ay paganahin lang ang creativity. Puwedeng bumili ng custom-cut glass mula sa hard store. Lagyan ng magandang dekorasyon ang inyong coffee table upang magkaroon ng saysay ang gamit nito.
- Latest




















