Rest day ng buong pamilya
Mahalaga sa mga magulang na magkaroon din ng rest day sa isang linggo. Pero kapag tumataas na ang level ng stress dahil sa rami ng task lalo na ng mga nanay kahit weekends; ang magandang gawin ay pumasok sa loob ng kuwarto at mag-pray. Magtiwala sa Panginoon na gagamit ng ibang tao na gagawa ng ibang bagay upang matapos ang kailangang gawin.
Pagmasdan ang epekto sa pamilya na kapag walang sapat na panahon para sa mga anak. Kapag inalala nila ang kanilang childhood, ano kaya ang mananatili sa kanilang isipan? Ano ang kanilang matututunan sa pagpapahalaga ng tahanan? Kaya tuwing day off ay bigyan ng panahon ang mga anak at pamilya. Kadalasan ang best memories ay ang dinner time. Lahat ay sama-samang nagsasalu-salo sa kainan. Nag-uusap, nakikinig, nagtatawanan, at nagsasaya sa ingay ng pamilya. Pero ngayon lahat ay nagmamadali sa pagkain sa fast-food ng hamburger na ang iba ay sa loob na ng sasakyan o kotse kumakain sa paghahabol ng kanilang schedule na wala nang oras na makasama ang pamilya.
Kaya mag-isip din ng mga bagay na magpapa-relax at magpapa-recharge sa buong pamilya at pagkatao. Gumawa ng pocket of silence at rest day sa iyong buhay. I-turn off ang TV, music, computer, at telepono. Simpleng manahimik na kasama ang Diyos. Manalangin kasama ang pamilya kung paano makinig sa Panginoon, saka ito i-practice, i-practice, at i-practice.
- Latest

















